Posts

Showing posts from February, 2021
Image
  Migrasyon ba ang Solusyon?   Sa panahon ngayon, madami sa ating mga kababayan ang umaalis sa kani-kanilang mga tirahan at pumupunta sa iba’t ibang lalawigan o bansa. Halos makikita natin ngayon na madaming nagtatrabaho mga kapwang Pilipino sa ibang bansa, ngunit bakit nga ba? Karamihan sa mga naririnig nating rason ay kahirapan ng buhay. Ano pa nga bang dahilan bakit sila nag iibang bansa? Ang lumilipat patungo sa ibang pook upang doon na mahirahan ay tinata wag na migrasyon. Ang mga tao ay nagmimigrasyon patungo sa ibang bansa o lalawigan. Madaming dahilan ang mga Pilipino kung bakit sila ay lumilipat papunta sa ibang lugar at ang pangunahing kadahilanan nga ay kahirapan ng bansa. Nakikita natin na madaming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ng malaking kita na hindi nila kinikita rito sa ating bansa. Maaaring ang lugar ng kanilang nilipatan ay isang maunlad na bansa at nasa isipan nila na madali silang uunlad dahil sa laki ng sahod. Gaya ng aking tito sa C