Migrasyon ba ang Solusyon?

 

Sa panahon ngayon, madami sa ating mga kababayan ang umaalis sa kani-kanilang mga tirahan at pumupunta sa iba’t ibang lalawigan o bansa. Halos makikita natin ngayon na madaming nagtatrabaho mga kapwang Pilipino sa ibang bansa, ngunit bakit nga ba? Karamihan sa mga naririnig nating rason ay kahirapan ng buhay. Ano pa nga bang dahilan bakit sila nag iibang bansa?

Ang lumilipat patungo sa ibang pook upang doon na mahirahan ay tinatawag na migrasyon. Ang mga tao ay nagmimigrasyon patungo sa ibang bansa o lalawigan. Madaming dahilan ang mga Pilipino kung bakit sila ay lumilipat papunta sa ibang lugar at ang pangunahing kadahilanan nga ay kahirapan ng bansa. Nakikita natin na madaming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ng malaking kita na hindi nila kinikita rito sa ating bansa. Maaaring ang lugar ng kanilang nilipatan ay isang maunlad na bansa at nasa isipan nila na madali silang uunlad dahil sa laki ng sahod. Gaya ng aking tito sa Colorado na lumipat noong pebrero 2020. Isa siyang sundalo kung kaya’t sinama niya na rin ang kaniyang pamilya roon. Noong una ay nag-aalagan sila sa pagpunta dahil umpisa pa lang noon ng pandemya at hindi pa natin alam kung ano ba ang dapat gawin, kung ito ba ay tama o mali dahil maaaring buhay natin ang kapalit. Sa awa ng Diyos ay naging maayos naman ang kalagayaan nila roon ngayon. Para sa akin, kung pagbabatayan ang katayuan ng isa rito sa Pilipinas kumpara sa isang bansa maaaring napakalaki ng agwat sa pagitan nito. Dahil sa mga pangyayari at mga patunay na ito sapat na ba ang tinatawag nating “Migrasyon” upang makaahon sa pamumuhay? Pangunahin na sa ating mga Pilipino ang paghahanap ng maayos at de-kalidad na trabaho. Sa katunayan may magandang epekto naman ito gaya ng mga kababayan natin na nabibigyan ng pangaral dahil sa kabutihan, pagpupunyagi, pagsisikap, at pagiging determinado nila sa kanilang hanapbuhay.


Sa kabilang banda, ang mga tagumpay na ito ay may masamang dulot sa kanila. Ang iba’y nasasangkot sa iba’t ibang krimen lalo’t sa ibang bansa pa gaya ng sindikato ng droga, trafficking, pagpatay, at marami pa. Sa halip na trabahong legal ay ilegal at nagiging mitsa pa ng pagkakakulong, mas malala pa ay napaparusahan ng bitay dahil sa krimeng nagawa. Kung may nakakatuwa, meron ding nakakalungkot. Sa aking sariling pananaw, maaaring hindi sila nakahanap ng maayos na trabaho sa ibang bansa. Siguro sa pag-aakalang maganda agad ang kalalabasan, naging desperado at nabigo.

 

Sa aking palagay, ang migrasyon ay nakatutulong sa ating kahirapan ngunit mas nakabubuti kung dito na lamang sa ating bansa manirahan at magtrabaho ngunit hindi ko masisisi an gating mga kababayan dahil sa hirap na ating nararansan sa bansang ito. Maaaring kahirapan nga ang problema kung bakit nagmimigrasyon ang ating kapwa Pilipino. Maaaring hindi ganu’n kasapat ang pera ng tao o bansang Pilipinas ngunit masusolusyunan ito sa pamamagitan ng ating pagtutulungan sa bansa. Sa pamahalaaan ay dapat itigil na ang korupyon upang  makahaon ang ating bansa. Bilang Pilipino pwede tayong makatulong sa pamamagitan ng pagbili ng ating sariling produkto imbis na galing sa ibang bansa.



Mga Sanggunian : 
http://mypersonalblog-anareta.blogspot.com/2016/11/migrasyon-sa-pilipinas.html
http://pchristiantanguilan.blogspot.com/2016/10/migrasyon.html
L2FwcGhvc3RpbmdfcHJvZC9ibG9icy9BRW5CMlVvcW5IMXUyOHVfNWozSktLeTlicGdpemxOT1JsQjBRdjJqdk1BdW1ZZHdKVk5FZXdHaG03d012WTV6X2dlUXREcmdWZDlDSzJ3bjUxSU1wQmZMbVJ2Q2VxNnNtN2NYWklSMjJSV0N1N3dJdjlUS0haUS5zeXFhZW9ENmFIaTRnVEVY_900_900
https://userscontent2.emaze.com/images/f67fe663-bffd-429c-8cd2-f6b7d1e5d6d6/731d1d48-1510-4835-a722-c7021eabbc28.png